Random Tumblr Themes
home ask me archive Themes

Dear Followers,

 Maraming salamat sa pagfafollow sa Tumblr account ko. Kahit 123 lang kayo e masyado na akong natutuwa don ^.^ kasi kahit mga walang kwenta naman yung posts ko e pinagtyatiyagaan niyo ako. :D Salamat talaga! Nagulat ako kasi last time na tingin ko ng Followers ko 75 lang.Ang Bongga-bongga niyo talaga! Haha.

 Yun na lang, baka manawa na kayo sa mga kadakdakan ko e >:))

 ♥, Kimmy

May mga bagay kasi na madali mo ngang nakuha,maya-maya lang wala na.Parang siya, mahal ka niya kanina tas the next day may girlfriend na siya.Sarap naman ng pagmamahal niya >:)
Ako na nga siguro…

ang pinakamasamang ate sa mundo? EWAN.Baka naman may mas mean pa sa akin sa tabi-tabi. :)

3:20AM.

 Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikibuan ng pangalawa kong kapatid, si Kyle haynako.E paano naman kasi nasipa ko yung likod niya kanina (hindi ko naman talaga intensyong sipain siya e, kaso nainis na talaga ako at di ko na napigilan yung sarili ko), huli na nung nagsisi akong ginawa ko yun.Umiiyak kasi ako kasi late na hindi pa ako nakakaligo kanina,umalis sila mommy at daddy para umattend ng wake ng tatay ng ninong ng kapatid ko pang isa (buti na lang wala sila kung hindi, naaward ako ng bonggang bongga kanina).

 Ang sinasabi ko lang naman kasi sa kanya, tulungan niya akong maglinis ng mga kalat kasi baka gabihin na naman ako masyado bago makaligo.Ayun, ayaw akong tulungan,nauna siya sa akin maligo tapos pinapaalis ko na siya para matulog sa bahay ng lola ko (ayoko kasing may tao sa bahay kapag maglilinis ako) tapos ayaw niya pang umalis.Nung sinabi ko ulit na tulungan niya ko, nagalit pa sa akin.Tsss.Kung di lang talaga siya nagmake-sound ng nakakainis na salita e di sana okay kami ngayon.

 HAAAAAAAAAAY.Sigurado ako, mapapagalitan ako first thing in the morning at ang magiging speech na naman nila mommy “Kimberly, ano na namang ginawa mo?ikaw talaga!Di ba sabi ko sayo wag mong pagagalitan mga kapatid mo?!”.Hindi ko lang masagot si mommy na “Hello mommy?,nakinig ba kayo ni minsan sa mga explanations ko?hindi naman e, madaya kayo ako na lang lagi pinapagalitan niyo tapos kapag sila yung mali parang okay lang sa inyo”. :((

 Anyway, alam ko may kasalanan din ako.Maliit lang na bagay pinalaki lang naming magkapatid.Bahala na nga.Basta ako tinry ko na siyang i-approach, -_-” siya na bahala kung papansinin niya pa ko bukas.BAHALA NA. >:)

3:28AM

♥ Kimmy,



1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 older »